(Phil Coast Guard nakatutok) MONSTER SHIP NG CHINA PUMASOK SA PHILIPPINE WATER

TULOY tuloy na tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aktibidad ng Monster ship ng China matapos namataan na naglalayag sa Philippine water malapit sa lalawigan ng Zambales.

Iniulat ng PCG na kanilang minomonitor ang Chinese Coast Guard Vessel 5901 o mas kilala na “monster ship” na namataan sa may Capones Island   sa Zambales nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay PCG spokesperson on the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, matapos nilang makumpirma ang presensiya ng monster chip sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone ay agad nilang dineploy ang PCG BRP Cabra (MRRV-4409) kasama ang dalawang helicopter sa bahagi ng Capones Island.

Tuloy tuloy umano ang pagbibigay ng “radio challenge” ng BRP Cabra at ng PCG aircraft sa  CCG-5901 kung saan ay binibigyang-diin nito na sila ay nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa Philippine maritime Zones Law at UNCLOS.

Na-detect ang intrusion  ng “monster ship” sa pamamagitan ng Dark Vessel Detection system mula sa Canada.

Una rito ay muling pinagtibay ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang commitment ng pamahalaan  na manatiling matatag sa pangangalaga ng maritime domain at pambansang soberanya ng Pilipinas.

VERLIN RUIZ