MONSTERA PLANTS, IBA PANG TANIM SA BAGUIO PARKS NINAKAW

MONSTERA

BAGUIO CITY —  WALANG sinasanto ang mga kawatan dahil sa maging ang mga nakatanim na Monstera plants na pampaganda at pangunahing tourism attractions sa dalawang parke sa lalawigang ito ay inubos ng plant thieves.

Sa pahayag ni Atty. Rhenan Diwas,  assistant City Environment and Parks Management Officer,  inubos ng mga kawatan ang mga nakatanim na “monstera” plants sa Mines View Park at Burnham Park sa nasabing lungsod.

Sinasabing ang Monstera na tinaguriang “monstera deliciosa” o kaya “Swiss Cheese” plant ay indemand indoor plant at mabentang tulad ng hotcakes kung saan kahalintulad nito ay ginto.

Maging ang succulents plants sa gilid ng City Hall Park ay sinikwat habang ang rubber trees sa Upper Session Road greenbelt inubos ng mga kawatan..

Ayon kay Atty. Diwa, nagtalaga na ng mga security personnel sa mga park kung saan nakipag-ugnayan na rin ang Public Order and Safety Division sa mga opis­yal ng barangay na magtala ng personnel sa kanilang nasasakupang park.

Maging ang mga residente ay hinimok na kunan ng photo o video ang mga kawatan at ipagbigay alam sa mga opisyal ng city hall upang maparusahan.

“Plant poaching, picking or cutting of plants within government properties such as parks, watersheds, forest reservations and other public spaces is a criminal act punishable by law,” pahayag ni Atty. Diwas.

Sinumang maaktuhan na sumisikwat ng mga halaman sa Baguio parks ay kakasuhan ng paglabag sa City’s Environment Code (Ord. No. 18, S. Of 2016) at pagmumultahin ng  P5,000 o imprisonment ng 5 araw.

Sakaling ang ninakaw na halaman ay kabilang sa endangered species ay kakasuhan ng paglabag sa RA 9147 ( Wildlife Resources Conservation and Protection Act) kung saan ang akusado ay nahaharap sa 6 hanggang 12 taong pagkabilanggo at multa ng P100,000 hanggang P1 milyon. MHAR BASCO

Comments are closed.