MONTEJO, NAUPO BILANG BAGONG QCPD DISTRICT DIRECTOR

PCol Ronnie Siroy Montejo

PINANGUNAHAN ni PMGen. Guillermo Lorenzo T Eleazar, hepe ng NCRPO ang seremonya sa pagtalaga ng bagong District Director ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon sa Kampo Karingal, Quezon City.

Itinalagang bagong QCPD District Director si PCol.  Ronnie Siroy Montejo na nabibilang sa Philippine National Police Academy (PNPA) class 1989 kung saan huli itong nagsilbi bilang Deputy District Director for Administration sa Northern Police District.

Samantala, matapos ang mahigit isang taong paninilbihan bilang QCPD District Director, mauupo naman si PBGen. Joselito Esquivel Jr. bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 13 (CARAGA).

Matatandaang sa pamumuno ni  Esquivel sa QCPD ay pinaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga kung saan marami ang naaresto at nahatulan.

Pinarangalan din ang mga magigiting na pulis na gumawa ng kabutihan at naparusahan naman ang mga iskalawag alinsunod sa programang paglilinis sa hanay ng kapulisan sa pamumuno naman ni Philippine National Police PNP Chief General Oscar David Albayalde. MARIA THERESA BRIONES

Comments are closed.