Ang Montemaria ay isang pilgrimage center na alay kay Inang Maria, ang Mother of All Asia.
May taas itong 98.5 meters o 322 feet mula sa paanan hanggang sa dulo ng korona, na sumisimbulo ito sa kapayapaan at pagkakaisa ng Asya at ng buong mundo. Ika-9 ito sa pinakamataas na rebultosa buong mundo, at ang taas na katumbas ng 33 palapag ay sumisimbulo naman sa panahon ng pamamalagi ni Jesucristo sa lupa. Ito ang pinakamataas na rebulto ni Birhemg Maria sa bung mundo, at matatagpuan ito sa Barangay Pagkilatan, Batangas City.
May 12 bituin ang korona ng birhen na sumisimbulo naman sa 12 apostoles, gayundin ang 12 tribo ng Israel.
Ang lugar ng Montemaria, ay dating Mary Mother of the Poor Foundation ng Katolikong paring si Fernasndo Soarez.
Ginawa itong pi;grimage center noong 2006 sa tulong ni dating gobernsador Hermilando Mandanas.
Kung aakyatin ang rebulto, mayroon itong 432 steps, ngunit kung hindi na kaya ng tuhod, pwede namang mag-elevator.
Sa mapagpalang lugar na ito, makakatagpo ng katahimikan at kapayapaan ng kalooban ang mga nagugulumihanan.
Sa biglaang pagbisita sa Monte Maria bilang selebrasyon ng Mother’s Day, nagkasama-sama ang buong pamilya pati na si Aling Corazon Apacible Villafranca. Pinagbuklod ang lahat ni Mama Mary sa pakikinig ng misa sa Santo Nino de Praga Chapel of Monte Maria.
Monte Maria ang tawag sa nasabing imahe dahil nasa ituktok ito ng bundok. Monte – mountain. Maria sa ituktok ng bundok.
Nasabi na nating may 322 feet ang taas ng rebulto, ngunit kung lalakarin ito, aabutin ng 424 sreps. Hindi ito kayang akyatin ng mga senior citizens na may rayuma o mga PWDs na may kapansanan sa paa, ngutin mat gtatlong elevators na maghahatid sa itaas. Ang bayad sa pag-akyat ay P150, ngunit kung senior, estudyante at PWD ay P100 lamang.
May kalayuan ang lugar at sa totoo lang, napakahirap puntahan kung walang sariling sasakyan, ngunit kapag naroon ka na, madara mo ang kapayapaan ng puso at kaluluwang hindi mo pa nararanasan sa iyong buhay. NLVN