MAY bago nang coach ang University of the Philippines Fighting Maroons men’s basketball team.
Sa anunsiyo ni UP Chancellor Fidel Nemenzo, pormal nang itinalaga si Goldwin Monteverde bilang bagong head coach ng Fighting Maroons.
Magsisilbi naman si Bo Perasol, na nag-resign bilang head coach ng Maroons noong nakaraang buwan, bilang program director ng koponan.
Si Monteverde ay kilalang nasa likod ng back-to-back University Athletic Association of the Philippines (UAAP) titles ng National University Bullpups noong 2019 at 2020.
Itinalaga siya noong huling bahagi ng 2019 bilang mentor ng NU Bulldogs sa seniors’ division, ngunit nag-resign siya noong Agosto 2020 na hindi ginabayan ang Sampaloc-based team sa kahit isang laro.
Muling makakasama ni Monteverde sa UP sina dating Bullpups players Gerry Abadiano, Terrence Fortea, at Carl Tamayo.
Lumakas ang UP men’s basketball program, na laging nangungulelat sa UAAP dati, nang hawakan ito ni Perasol noong 2016.
Ginabayan ni Perasol ang Fighting Maroons sa kanilang unang ‘Final Four‘ appearance sa UAAP makalipas ang 21 taon noong 2018, at kalaunan ay ginapi ang Adamson University Soaring Falcons sa dalawang kapana-panabik na semifinal games upang umabante sa UAAP finals sa kauna-unahang pagkakataon magmula sa kanilang title conquest noong 1986.
Yumuko ang UP sa Ateneo sa dalawang laro sa 2018 UAAP Finals.
Muling nakapasok ang Diliman-based squad sa Final Four ng sumunod na taon, subalit nabigo sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa stepladder semifinal round.
292576 705723I want looking at and I believe this website got some truly useful stuff on it! . 823256
762956 257920I gotta favorite this internet internet site it seems handy . 349961
257323 293325Quite unusual. Is likely to appreciate it for those who add forums or anything, site theme . a tones way for your client to communicate. Excellent task.. 336321