KINAKAILANGANG sumailalim sa nasal swab test kada apat na linggo ang mga manggagawa sa tourism at hospitality sectors, kabilang ang mga nasa negosyo ng pagre-restaurant, upang matiyak na negatibo ang mga ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dahil sa nature ng business nito, na maraming tao ang pumapasok ay kailangang maprotektahan ang mga kliyente kaya’t kailangan ang regular na pagsailalim sa swab test ng mga manggagawa.
Sinabi naman ni Bello na para sa hindi kabilang sa tourism at hospitality sectors, tanging ang mga manggagawa na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 ang kinakailangang isailalim sa swab test.
Kabilang rito ang lahat ng industriya at walang exempted dito.
Muli rin namang ipinaalala ni Bello na mandatory na sa ngayon ang pagsusuot ng face masks at face shields sa mga workplace bilang karagdagang pag-iingat laban sa COVID-19.
Aminado naman ang kalihim na mahirap ito ngunit kailangang isagawa para maiwasan ang kontaminasyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.