MONUMENTO NI LAPU-LAPU ITINAYO SA CRAME

BILANG paggunita sa ika-500 anibersaryo ng makasaysayang ‘Battle of Mactan’ na naging daan para maging tan­yag sa buong mundo ang kauna-unahang Filipino hero na si Lapu-Lapu na siyang nagtaboy sa Spanish colonizers sa pangunguna ni Magellan noong 1521, itinayo sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang kanyang monument.

Nagkaroon ng unveiling ceremony at pagbabasbas sa life-sized metal sculpture ng legendary warrior sa Camp Crame.

Pinangunahan ni PNP Chief Police Gene­ral Debold Sinas at dating Chief Justice Diosdado M Peralta, ang ceremony sa monumento na likha ni Ram Mallari.

Ang contemporary artwork ay gawa sa discarded and demilitarized gun parts ng mga palyadong armas.

Sinabi ni Sinas na dapat din nilang kilalanin si Lapu-Lapu dahil naroon ito sa kanilang chapa o badge.

“The image of Lapu-lapu in the PNP seal symbolizes the bravery of the PNP and personifies for us today civilian constitutional authority,” ayon kay Sinas.

Sumisimbolo rin si Lapu-Lapu sa pamumuno, katapangan, makabayan, katatagan at pagbibigay ng proteksyon sa kapwa. EUNICE CELARIO

5 thoughts on “MONUMENTO NI LAPU-LAPU ITINAYO SA CRAME”

  1. 358664 799078magnificent submit, really informative. I ponder why the opposite experts of this sector dont realize this. You must proceed your writing. Im sure, youve a great readers base already! 441913

Comments are closed.