EXTENDED ang suspensiyon ng pagbabayad ng renta at pagpapalayas sa mga umuupa sa general community quarantine na umiral sa Metro Manila simula noong Hunyo 1, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa supplemental guidelines sa upa ng DTI, hindi maaaring paalisin ng mga landlord ang residential at commercial tenants, at dapat bigyan ang mga ito ng 30-araw na palugit upang bayaran ang kanilang upa sa sandaling alisin ang community quarantine.
Unang inilatag ng DTI ang mga panuntunang ito noong Abril, dalawang linggo makaraang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa.
“These measures still apply during the GCQ, in accordance with the May 22 resolution of the IATF or Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases,” ayon sa DTI.
“The grant of a minimum thirty (30) day grace period shall commence from the lifting of covered community quarantine without incurring interests, penalties, fees, and other charges,” dagdag pa ng ahensiya.
Ang naipong renta habang naka-community quarantine ay huhulugan sa loob ng anim na buwan makaraang magwakas ang palugit nang walang interest, penalties, fees at iba pang charges.
Layon ng hakbang na ito na mapagaan ang pasanin ng residential at commercial tenants na ang kita o negosyo ay apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.
Comments are closed.