MORE CHALLENGING ROLES PARA KAY SHARON CUNETA

faceup

SA mga nakapanood ng trailer ng “Revirginized, marami ang nagbigay ng violent reactions kay Sharon Cu­neta. Kung kelan daw kasi tumanda ang megastar saka nagpakalaswa, umiinom ng tequila at kakaiba ang dialogue. Di mo iisiping si megastar ‘yun.

Comment naman sa social media, mas bagay raw kay Eugene Domingo ang role ni megastar. Pero hala, slim na ang katawan ni mega nang bumalik galing sa abroad. Timing ang pag-uwi niya dahil pinalabas na ang pelikulang pinag-uusapan. Worth watching talaga. Mara­ming lesson in life.

Aware naman si Shawie na magugulat ang kanyang mga fans sa new movie niya. Sa dami kasi ng nagawa niyang pelikula, na-challenge siya sa iskrip ng Revirginized, kaya tinanggap niya ito. Gusto niyang mag-experi­ment. Keber kung makita ang kanyang malusog na dibdib at dinilaan niya ang hubad na katawan ng kanyang leading man.

From ‘Dear Heart,’ ang character niya ay la­ging the simple, true, good, beautiful, and sweet. Ang matino at disenteng babae. Bakit nga naman hindi siya sumubok ng mga challen­ging roles?

Sa online streaming, nakita kung gaano naging mapangahas si Shawie sa kanyang mga linya. Obra ito ni Dayrl Yap, at nasisigu­ro naming mapapahiya ang mga movie afficionados na nagbigay na negatibong kumento dito. Panoorin na lang nila ang pelikula mula umpisa hanggang matapos.

After this movie, ano kaya ang susunod na mo­vie project niya mas challenging than Revirginized?

***

BF NI BEA ALONZO, DA WHO?

HINDI na itinatago ang relasyong Bea Alonzo at Dominic Roque. Kasabay na isyung ghosting ni Gerald Anderson kay Bea, magsyota na ang dalawa.

Nuon, pasikreto pa ang pag-post nila ng mga ritrato na di kita ang mukha. Sa dami ng nakarelasyon ni Bea, masu­werte nga si Dominic at may nagsabing Da Who? Infairness kay Dominic, artista rin siya kahit di gaanong naging sikat. Pamangkin siya ni Beth Tamayo pero hindi niya ginamit ito para umakyat. May mga negos­yong naipundar si Dominic. Kung magkakatuluyan sila ni Bea, kaya niyang buhayin ang aktres.

Ngayong kilala na si Dominic na bagong syota ni Bea, makatulong kaya ito sa exclusive contract ni Bea sa GMA7?  Hindi pwedeng gawan ng gimik si Bea kay Alden Richards na siyang magiging lea­ding man niya sa TV at pelikula. Paano ibebenta ang mga projects ni Bea sa mga advertisers?

Hay naku, in lovey kasi e. Pero paano kung biglang mabuntis si Bea?

***

KUYA WILLIE, DAPAT TULUNGAN SI HIPON GIRL

Nakilala si Herlene Bidol na Hipon Girl sa variety game show na Wo­wowin. Patok siya sa TV show ni Willie Revillame as co-host. Kuwela siya at mahusay magpatawa. Malaking tulong ang nasabing show sa kanyang pamilya. Pati kamag-anak niya ay natulungan ni Herlene. Inintri-ga pa nga ang pagkawala niya sa show na buntis siya.

Ang malungkot, pag-apir niya uli, umamin siyang naghihirap sa pera as in purdoy. Nagbawas kasi ng talents ang Wowowin at isa siya sa natsugi. Paano nga naman ang mga umaasa sa kanya? Hindi siya naging masinop sa pera.

Wala tayong nabalitaang tinulungan siya ni kuya Willie na likas na matulungin. Bakit kaya? Naisip ko tuloy, pangkame­ra lang ba ang ka-wanggawa ni Don Willie? Pero pwede bang hindi siya tulungan ni Kuya Wil? Siguro, ayaw lang ipagsabi. Isa pa, humihingi ng todo simpatiya si Hipon Girl para marami ang tumulong sa kanya.

Isang sabi lang ni Kuya Wil sa isang online company, bibigyan agad si Hipon Girl ng produkto para sa kanyang online selling. Sana nga makarekober siya at huwag magpatalo sa depresyon ngayong pandemya.

5 thoughts on “MORE CHALLENGING ROLES PARA KAY SHARON CUNETA”

  1. 2580 845371You produced some decent points there. I looked on the net to the issue and found a lot of people go together with together together with your web web site. 711321

Leave a Reply

Your email address will not be published.