More classroom time sa SY 2024-25

BILANG  pagsunod sa kautusang pag-aalis ng administrative tasks sa mga teachers, gafaan na ang workload ng teachers at mas makakatutok na sila sa pagtuturo sa susunod na pasukan.

Pirmado na ni Vice President and Secretary of DepEd Sara Duterte ang DepEd Order 05, s. 2024 bilang hakbang upang masigurong mas maraming oras na ang gugugulin ng mga teacher sa pagtuturo.

Niliwanag nito kung ano ang mga papayagang teaching and teaching-related tasks, at pinatibay rin ang Republic Act No. 4670 o Magna Carta for Public School Teachers at DepEd Order 002, s. 2024, na nag-uutos na agarang alisin ang administrative tasks sa mga public school teachers.

Sa nasabing DO, magbibigay ng DepEd ng streamlined workload sa pagtuturo, na dapat ay anim na oras ng actual classroom teaching, at dalawang oras para naman sa teacher ancillary tasks na pwedeng gawin sa labas o loob ng iskwelahan.

Nilinaw ng nasabing polisiya na ang teachers’ ancillary tasks ay dapat na sumunod sa mga sumusunod na kategorya: Curriculum Planning, Curriculum Delivery and Pedagogy, Assessment of Learner’s Progress, at Homeroom Guidance and Management.

Ang iba pang gawaing hindi tumutugon sa specified teaching-related at ancillary tasks ng mga guro ay ibibigay sa administrative personnel ng mga iskwelahan.

Dagdag pa diyan, nagbigay rin sila ng guidelines and procedures sa tamang teaching load na ibibigay sa mga guro, at higit sa lahat, ang bayad sa teaching overload para sa mga sosobra sa prescribed number of hours.

Ang bayad sa teaching overload ay ibibigay every quarter, subject to the extent of allotment for the purpose.

Gayunman, sakaling kulang ang badyet ng iskwelahan, ang teaching overload hours ay pwedeng i-convert sa VSC base sa kasalukuyang DepEd policy. Ang VCA ay vacation service credits o leave credits. NLVN