MORENONG AKTOR ‘DI MABIGYAN NG BREAK DAHIL SA ATTITUDE

HINDI makalimutan ni Direk M si morenong aktor (MA)  na katrabaho niya ngayon sa isang teleserye. Nagpakawala kasi ng isang malutong na PI si MA na kinig na kinig ni Direk M na nakaalalay lang sa monitor.

Agad na nilapitan ni Direk M si MA at mahinahong kinausap ito. Sinabing kung nahirapang gawin ang eksena ay tutulungan niya para magawa ito. Simpleng eksena lang iyon na napaka-importante pero hindi makuha ni MA. Hindi ito puwedeng palitan o tanggalin dahil nga sa mahalaga ito sa eksena.

Nag-usap sina Direk M at MA. May pinagdadaanan pala si MA at may personal problem ito. Nadala sa set kaya ayun at apektado ang trabaho.

Nagawa rin ni MA ang eksena at maayos sila ni Direk M na naghiwalay nang araw na iyon. Actually, may attitude talaga ito si MA kaya matagal bago siya nabigyan ng break ng kanyang network. Guwapo, pang-leading man nga pero mayabang at feeling kung sino. Sa­yang at mahusay pa naman itong umarte.

Clue: Bida siya sa isang teleserye nga­yon na umeere kapareha ang isang magandang aktres. Kapangalan niya ang dating matinee idol nung 60s.

YOUNG STARS NAGNINGNING NGAYONG 2019

Taon nina Marco Gumabao, JC Santos, Bela Padilla, Miles Ocampo,  Maris Racal, Gold Azeron, Jasmine Curtis-Smith, Ken Chan, Rita Daniella, Kyline Alcantara,  Jillian Ward, Jeric Gonzales, Migo Adecer,  Bianca Umali, Faye Lorenzo, at Kim Molina ang 2019. Mas nagning­ning ang kanilang mga bituin ngayong taon.

Blockbuster ang “Jowables” ni Kim, nanalong best actor si Gold  sa CinemaOne Original Film Festival, nagbida sa pelikula sina Marco, Maris,  JC, Bela, Jas-mine at Miles, nagbida sina Ken at Rita, Bianca, Jillian,  at Jeric sa teleserye at isang bonggang teleserye ang sisimulan ni Kyline kasama ang nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor at ang pagbongga ni Faye Lorenzo sa “Bubble Gang” at ang pinag-uusapang mga sexy poses niya na humahamig na ng sandamakmak na followers niya sa IG. Si Faye na nga ang pumalit sa nabantilawan at nag-inarteng si Kim Domingo.

Taon din ni Bidaman Jiro Custodio ang 2019. Pagkatapos manalo sa “Bidaman” sa “It’s Showtime”, successful ang solo concert niya na pinam-agatang “The Greatest Show” sa Cuneta Astrodome na dinumog ng kanyang mga tagahanga.

Wish namin na next year ay mas lalo pang ma­ging bongga ang career nila. Aabangan naman kung sino ang iba pang sisikat sa telebisyon at pe-likula sa susunod na taon.

WILLIAM THIO ADBOKASIYA ANG MAKATULONG SA MGA BATANG MAY CANCER

DINALAW ng officers and members ng PMPC(Philippine Movie Press Club) si William Thio sa Orthopedic National Hospital para makasama ang mga batang may cancer na nandu’n. Advocacy na ni William na tumulong sa mga batang ito.

Nagkakaroon ng kaun­ting programa, mga games at gift-giving sa mga bata plus may surprise celebrity guests pa na pawang kaibigan ni William ang nagbigay ng kasiyahan gaya ni Jeffrey Hidalgo.

God bless you, William!

One thought on “MORENONG AKTOR ‘DI MABIGYAN NG BREAK DAHIL SA ATTITUDE”

Comments are closed.