NADISMAYA ang Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, makaraang malaman ang modus ng mga sindikato, kaugnay sa recruitment ng mga menor bilang house hold service workers (SW) papuntang ibang bansa.
Ayon kay Morente, nabuhay muli itong mga miyembro ng sindikato, at aniya, sa kasalukyan ay nagre-recruite ng mga kabataan, kung saan pina-gagamit ang mga ito ng pekeng o fraudulent na mga dokumento para makalabas sa bansa.
Kaugnay nito, nananawagan si Labor Undersecretary Jacinto Paras sa mga kinauukulan o sa mga government agencies na pag-igihan ang pag-proseso sa mga papeles ng mga distressed worker, matapos makuha itong si alyas “Marie” ng pasaporte na nagkunwaring 23 anyos, bagkus 17-anyos lamang siya.
Si alyas Marie ay nag-apply bilang house hold workers sa Saudi Arabia gamit ang mga sinasabing dubious o pekeng dukomento, kung saan ito ngayon ang ikinababahala ng BI.
Ayon pa kay Morente, noong nakalipas na taon 2018, naka-intercept ang kanyang mga tauhan sa NAIA ng 181 kabataan na pawang mga underage o menor na na-recruit ng sindikato para makapagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa, at nadiskubre ng kanyang mga tauhan na may mga hawak na valid passport.
Ang biktima ay nai-turn over sa mga taga Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang matulungan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.