MORISETTE AMON, NAGPAKASAL NA

NAGULANTANG ang mga tagahanga ni Morissette Amon nang ipaalam niya sa publiko last January 28 na ikinasal na siya sa nobyong kapwa musician na si Dave Lamar. Nag-post ang singer ng larawan nila ni Dave na nakasuot ng damit pangkasal at inaming ilang buwan na silang kasal. Ngayon lamang nila ini­labas ang sekreto.

Masayang ibinalita ng celebrity couple na ganap na silang mag-asawa dahil they finally exchanged I do’s few months ago, na technically ay last year pa.

“(W)e are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED! it was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally Free!” pag-amin ni Morissette sa kanyang IG post na may kasamang wedding photo nila ni Dave. “What a ride it’s been, @davejlamar !!!! To the stars and the Moon, I love you my Husband!” dagdag pa ng binansagang Asia’s Phoenix.

Feeling blessed naman si Dave dahil ibinigay daw sa kanya ng Diyos si Mori na kanyang best friend at ngayon ay misis na niya.

“The journey has been incredible. I am so overwhelmed and blessed that God lead me to my true north, my best friend, and now my wife! I love you, @itsmorissette. So excited to spend the rest of our lives together!” pahayag ng music artist sa kanyang IG post.

Isang intimate garden wedding sa The Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas ang kanilang kasal, na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan kabilang ang singer-songwriter na si Moira dela Torre at ang asawa nitong si Jason Marvin Hernandez. Very dramatic ang pagpapalitan ng vows ng dalawa dahil ginawa nila ’yon habang nasa gitna ng ulan.

CARLO AQUINO- TRINA CANDAZA HIWALAY NA

Hindi yata pabor sa mga mag-asawa ang year of the Tiger. Feeling tuloy ng marami ay year of separation ang 2022.

Wala pang isang Linggo nang pumutok ang balitang hiwalayan nina Tom Rodriguez-Carla Abellana ay heto at balitang tuluyan na ring nauwi sa hiwalayan ang relasyon  nina Carlo Aquino and his partner, Trina Candaza. Nauna rito ay nabalitang hiwalay na rin sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. First week pa lamang ng Enero ay nabalita na agad na hindi na maayos ang kanilang relasyon.

In Trina’s Facebook page, she shared a cryptic message regarding a ‘partner having a third party’.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae… Wag na kayo umasang magbabago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag-babago ” ipinost ni Trina.” Mabilis nag-viral ang nasabing post ni Trina.

Last week, nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Ins­tagram. Ang nakakalungkot lang, mayroon silang isang anak, si Enola Mithi. Bago sila nagka-baby ay maraming umasang magkakabalikan pa sina Carlo at Angelica Panganiban matapos nilang gawin ang reunion movie nilang Exes Baggage. Pero nabigo sila dahil wala ng second chance.

Sa ngayon ay maligaya si Angelica sa karelasyon niyang businessman na si Gregg Homan.

Sana naman ay simpleng tampuhan lamang ito at maayos nila ang mga problema. Ang nakakaloka pa, pare-pareho walang kinukumpirma sa tunay na status ng kanilang relasyon.

ASHLEY-TAN, HALATANG MAY SOMETHING

HAPPY ang mga loyal supporters ng former PBB housemates na si Tan Roncal na kababalik lang from Davao kung saan siya nag-spend ng Christmas at New Year. Gayundin ang kanyang kapartner na si Ashley Del Mundo na sa Australia naman nag-spend ng Holiday.

Sa ngayon, patuloy na nagpapakilig sina Tan at Ashley sa Kumu kung saan kilig to the max ang kanilang mga tagahanga sa lagkit ng kanilang titigan.

Madalas silang nagla-live stream habang naghihintay ng big project na pagsasamahan. Umaasa ang mga (Milkies ) ASHTAN Fandom na ngayong 2022 ay mabigyan sila ng big break.

Duda nga ng marami ay may ‘something’ na talaga sa dalawa. Sobrang sweet kasi ng dalawa lalo na sa mga ina-upload nilang videos. Well, wala namang masama dahil bagay naman sila at pareho silang available.

Last year, isa si Tan Roncal sa pinarangalang Most Promising Male Ar­tist sa 12th Star Awards for Music.