MORISETTE AMON OVERWHELMED SA PAPURI NI LANI AT PAGTATANGGOL NI REGINE

OVERWHELMED si Morisette Amon sa gina­wang pagtatanggol sa kanya ni Asia’s Songbird Reginereflection Velasquez at papuring natanggap niya mula naman kay Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Nabasa mismo ni Morisette ang pamba-bash sa kanya nu’ng fan at aminado siya na sobra siyang nasaktan.

“Siyempre, hindi po maiwasan na nasaktan din po talaga ako. Pero ngayon, kapag may nabasa ako na ganoon, deadma na. Pero talagang na-hurt po ako,” eksklusibong pahayag ni Morisette sa amin.

Maraming beses na rin daw siyang na-bash. Pero ‘di raw niya masyadong pinapansin ‘yung iba. Parang nasanay na raw siya dati. Hindi raw siya madaling maasar.

“Mas nagulat lang po ako ngayon kasi nakakuha po ako ng notification sa phone ko na nag-tweet si Ms. Regs about that topic. So, siyempre parang, mas apekatado si Ms. Regs. I think first time, sa pagkakaalam ko, hindi siya laging ganoon na talagang ‘pag naiinis or ‘pag nagdi-defend siya.”

Sobra raw siyang na-touch sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Regine. And right after that lumabas ‘yun,  ay nag-text agad sa kanya si Regine.

“Nag-sorry pa rin siya. Sabi ko, ‘Ms. Regs, hindi mo naman po kasalanan. Tsaka hindi natin control ang lahat ng tao.’ But sobra kong na-appreciate kasi, syempre sa lahat  ng achievements ni Ms. Regs ay patuloy pa rin siyang  nanatiling grounded and  very supportive sa mga bagong artists. And, sa paraan na ‘yun parang, na nag-defend po siya sa akin, parang grabe. Sobrang priceless,” pasasalamat pa ni Morisette.

Sa isang interbyu naman kay Asia’s Nightingale, sinabi niya kung meron man daw kinatatakutan si Lani na makasabayan ng kantahan on stage ito’y walang iba kundi si Morisette.

“Bakit po siya natakot sa akin?  Sana it’s a good thing na takot naman. Pero, hindi ko alam. Nga­yon ko lang po kasi nalaman. Pero looking back po doon sa concert namin ni Ms. Lani sa Solaire, ’yung ‘A Lani-Morisette Musical Journey,’ sobra akong natuwa ako. Kasi sobrang humble din po pala niya. As in, parang barkada lang  namin siya,” sabay ngiti ni Morisette.

Feeling ni Morisette nasabi lang daw ‘yun ni Lani dahil very daring siya when it comes to performing. But of course, so-brang humbled daw siya sa compliments ni Lani sa kanya.

Comments are closed.