NADAKIP ang magkapatid na manyakis sa kasong Act of Lasciviousness na ikinaso ng isang menor de edad sa lungsod ng Pasig.
Sa ulat na tinanggap ni Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kinilala ang mga nadakip na sina Joseph Ocampo, 36-anyos at Domingo Ocampo, 52-anyos, kapwa nakatira sa No. 175 Rosario Village, Brgy., Sta Lucia sa lungsod.
Nabatid na dakong alas-3:35 ng hapon nitong Marte, dinakip ang mga suspek sa Rave Rainforest Park, F Legaspi St., Brgy., Maybunga, Pasig City.
Bitbit ng grupo ni Lt. Jaylord Estillore ng Station Detective Management Section (SDMS) ang warrant of arrest laban sa mga Ocampo na isyu ni Hon. Judge Jesus Angelito Huertas Jr., ng Regional Trial Court branch-261 sa kasong Acts of Lasciviousness (section 5 (B) ng RA 7610 ng RPC article 336). May criminal case No. R-PSG-21-O3386-CR R-PSG-21-03389-CRR-PSG-21-03385-CR-R-PSG-21-03388-CR at may recommended bill na tig P180, 000.00 sa bawat 2 kaso.
Nag-ugat ang manhunt operation laban sa mga suspek sa pinaigting na kampanya ni Arugay laban sa mga wanted sa batas sa lungsod.
Pinag-iingat din ng opisyal ang mga kabataan ngayong Pasko at Bagong Taon laban sa mga kriminal.
Samantala, arestado rin ang top 2 most wanted ng Pasig City Jail-Female Dormitory na si Danica Charmain Martinez, 28-anyos ng #914 Sunflower St., Masagana Comp., Brgy., San Miguel sa lungsod.
Sa kasong 2 counts ng Qualified Theft na inilabas ni Hon. Judge Danilo S. Cruz ng FTC branch 152 dakong alas-5:30 ng hapon nitong Disyembre 14 sa Molave St., Brgy., Nagpayong Pasig.
ELMA MORALES