MOST WANTED NA MAY P130-K REWARD ARESTADO

BULACAN- ISA sa top Most Wanted Person (MWP) sa bansa na may nakapatong na pabuya sa kanyang ulo ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU),1st Provincial Mobile Force Company(PMFC)at Hagonoy police sa kanyang hide-out sa Barangay San Nicolas,Hagonoy ng lalawigang ito kamakalawa.

Sa report ni Col.Rommel J.Ochave, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Nicole John Salamat, residente ng Barangay San Nicolas, Hagonoy na nasa listahan ng National MWP na may reward na P130,000 base sa DILG MC number 2021 at Bulacan Provincial Police Office (BPPO) MWP.

Nabatid na nagsagawa ng manhunt operation ang Bulacan PIU sa pangunguna ni Major Russel Dennis Reburiano katuwang ang operatiba ng PIU Region 3,Bulacan 1st PMFC at Hagonoy police sa ilalim ng pamumuno ni P/Major Neil Cruzado,Hagonoy police chief, sa hide-out ni Salamat at hindi na ito nakapalag nang makorner ng awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest.

Ang wanted na si Salamat ay mayroong Warrant of Arrest dahil sa kasong Rape in relation to RA 7610(Child Abuse Law)sa ilalim ng Criminal Case No. 4316-2018 at walang inirekomendang piyansa at Violation of Section 4(a)ng RA 9995(Anti-Photo and Video Voyeurim Act of 2009) na may piyansang P70,000.

Nakalambat din ang Bulacan PNP ng kabuuang 38 wanted sa Bulacan kabilang ang dalawang Regional Most Wanted Person(MWP)sa unang dalawang araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation(SACLEO)na tatagal ng isang linggo at target nito ang mga wanted,drug personalities at mga sugarol. MARIVIC RAGUDOS