ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ni Director CSupt Joselito Esquivel Jr. at ng mga tauhan nito mula sa Cubao Police Station ang no. 2 most wanted person sa Hagonoy, Bulacan.
Kinilala ito na si Renato Faustino na inaresto sa bisa ng warrant of arrest bilang Top 2 Most Wanted ng Hagonoy Police Station bandang alas-8:45 ng umaga kahapon sa isang bus terminal sa Cubao.
Kinilala ang nadakip na si Renato Faustino, 46-anyos, may asawa, laborer, at tubong Mercado, Hagonoy, Bulacan residente ng Pateros Martirez, Manila na inaresto naman nina PO1 Angelo Sytamco at PO1 Ronnie Tamaliuan ng Hagonoy, kasama ang PS-7 Warrant Team sa pangunguna ni SPO3 Silveriano Marcedonio at iba pa.
Si Faustino ay may warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Ma. Cristina G. Laderas, Presiding Judge, RTC Branch 85, Malolos City, Bulacan noon pang Marso 19, 2018 dahil sa kasong qualified rape in relation to R.A. 7610 docketed under Criminal Case no. 1281-M-2018 at hindi papayagang mag-bail.
Dinala na ang suspek nina PO1 Sytamco at PO1 Tamaliuan sa Hagonoy Police Station upang harapin nang krimen na dapat nitong panagutan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.