ZAMBALES- MAKALIPAS ang halos isang taon na pagtatago sa batas, nadakip ng mga operatiba ng Zambales Police ang lalaki na kabilang sa most wanted sa kasong paglabag sa Illegal Drugs sa Brgy, San Agustin Castillejos.
Kinilala ni Acting PNP Provincial Director Col. Romano Cardiño ang suspek na si Mark Rae Lapid, 33-anyos, residente ng Brgy. Cawag sa bayan ng Subic.
Dinakip si Lapid sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 75 RTC Judge Raymond C Viray na may criminal case number 1167-2020 at 1168-2021 sa kasong paglabag sa Sec. 8,11 ng RA 9165 kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan.
Samantala, tiniyak naman ni PRO3 Brig.Gen. Val de Leon na walang puwang saan man sa pitong lalawigan ang mga kriminal sa Gitnang Luzon dahil tuloy-tuloy ang manhunt operation sa mga kalaban ng batas. THONY ARCENAL
Hi! This is my first visit to your blog! We are a team
of volunteers and starting a new initiative in a community in the same niche.
Your blog provided us beneficial information to work on. You
have done a marvellous job!