LAGUNA – BUMAGSAK sa kamay ng pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID) Regional Special Operating Unit (RSOU), RFMB4A, Sto. Tomas at Alaminos PNP ang 52-anyos na Real State Agent makaraan ang mahigit apat na taong pagtatago nito sa batas kaugnay ng kinakaharap nitong iba’t ibang kaso sa Brgy. San Isidro, Sto. Tomas Batangas, Huwebes ng hapon.
Batay sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay PRO4A Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo Cruz, nakilala ang suspek na si Sandy Golloso y Era, may asawa, residente ng Brgy. San Miguel, Alaminos, Laguna.
Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na napapabilang sa Rank No. 1 most wanted person Regional Level ang suspek kaugnay ng kasong Murder at Robbery with Violence and Intimidation.
Dakong alas-3:10 ng hapon nang magkasa ng Operation Manhunt Charlie ang mga operatiba sa lugar sa pamumuno ni Alaminos Chief of Police PCapt. Edwin Goyena bitbit ang dalawang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Agripino Morga, RTC Br 32 at Hon. Judge Luvina Roque, RTC Br 29, San
Pablo City kasunod ang isinagawang pag-aresto ng mga ito sa suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Alaminos PNP Custodial Cell para harapin ang isinampang kaso ng pulisya laban sa kanya. DICK GARAY
857587 600883Hey there! Wonderful post! Please do tell us when we shall see a follow up! 606038
122788 195590I like what you guys are up too. Such smart work and reporting! Carry on the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I feel it will improve the value of my website 458972