MOST WANTED SA METRO TIMBOG SA PROBINSYA

arestado2

LAGUNA – HINDI na nakapalag sa kagawad ng Nagcarlan-PNP ang 27-anyos na binata matapos maaresto makaraan ang siyam na taon nitong pagtatago sa batas dahil sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Brgy. Alibungbungan ng bayang ito noong Lunes.

Sinasabing napabibilang sa Top 1 most wanted person sa lugar ang suspek na kinilala ni Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta na si Kristoffer Moraleja, alyas “Kevin Sy”, tubong 2434 Sarial St., Decena, Pasay, City at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Taytay, bayan ng Nagcarlan.

Base sa record ng Pasay-PNP, naganap ang brutal na pagpatay ng suspek sa kanyang girlfrend na si Mizielle Jamyka Myka Gutierrez noong Pebrero 1, 2011 nang dahil sa matin­ding selos bago nagawa nitong makatakas at makapagtago sa batas sa mahabang panahon.

Nagtamo ng 12 tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima dahilan nang maaga niyang kamatayan habang isinusugod sa pagamutan.

Ayon sa ulat ni PCapt. Elvin John Tio, hepe ng pulisya kay Matta, sinasabing naaresto ng mga ito ang suspek kasama si Police Warrant Officer PMSGT. Benedict Mercado at ilan pa sa kanilang mga tauhan bandang alas-11:00 ng gabi habang aktong nasa harapan ito ng Nagcarlan Public Cemetery.

Sa pamamagitan aniya ng isang concern citizen sa lugar na nagbigay sa kanila ng impormasyon matapos mapalat­hala sa telebisyon ang kinasasangkutang kasong murder ng suspek, agad na nagkasa ang mga ito ng operasyon bitbit ang Wwrrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Tingaraan U Guiling, RTC, National Capital Judicial Region Br 109 Pasay City kung saan hindi na nagawa pang makapalag sa awtoridad.

Kusang loob umanong umamin kay Mercado ang suspek matapos maaresto ng mga ito na nahihirapan na siya, susuko na siya, magbabagong buhay at kusang loob nitong haharapin ang kasong isinampa sa kanya habang hindi naman nito idinetalye ang dahilan at paano nito pinatay ang biktima at sa korte na lamang aniya siya magsasalita. DICK GARAY

One thought on “MOST WANTED SA METRO TIMBOG SA PROBINSYA”

Comments are closed.