TARLAC – MAKALIPAS ang halos walong taon na pagtatago sa batas sa limang kaso ng panghahalay sa menor de edad nadakip na ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang lolo sa ilang na lugar sa bayan ng San Jose.
Sa report na ipinadala ni Captain Elijah Edison R Yumul kay Supt.Luis M Ventura Jr., kinilala ang suspek na si Robin Banag y Bautista,65-anyos, rank-1 Municipal Level Lambat Sibat Most Wanted, isang magsasaka, residente ng Brgy. Iba San Jose Tarlac.
Base sa inisyal na report nina PO3 Esteban Jr., PO3 Tolenada at PO3 Sanchez,ganap na alas-6:30 ng hapon ng madakip ang suspek sa pinag-tataguan nitong lugar sa Brgy. Lubigan sa nabanggit na bayan.
Inaresto ang matanda sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Branch 68 Camiling RTC Judge Jose S Vallo na may cc.no.11-37,38,39,40,41 sa kasong 5 counts of Rape in relation to Republic Act 7610.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa San Jose Municipal Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte laban sa kanya. THONY ARCENAL
Comments are closed.