NUEVA ECIJA – MAKALIPAS ang halos 11 buwan na pagtatago sa batas sa kasong panggagahasa, nadakip na ng mga awtoridad ng San Jose City si Rogelio Raneces, 26-anyos,obrero, ng Purok Interior, Brgy, Daang Sarile, Cabanatuan City.
Ganap na alas-3:30 noong Biyernes nang madakip ang suspek sa kasong rape na inilabas ng Branch 39, ng Regional Trail Courta.
Matatandaang Marso 17, 2019 nang gahasain nito ang kanyang kainuman na babae.
Kung saan No bail ang inirekominda ng korte laban sa kanya.
Samantala, arestado naman sa buy bust operation ang tatlong kalalakihan na kinilala ni P/Lt.Col.Heryl Bruno ang mga suspek na sina Piben Tañedo Venturina, 49-anyos, ng Sitio Tanibong Abar 1st San Jose City, Daryl Lambo, Mallare 30 at Rhoufert Castaleds, 28-anyos kapwa ng Riverside ng Brgy, Abar 1st.
Nakumpiska sa kanila ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu,at mark money.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng tatlong mga suspek. THONY ARCENAL
Comments are closed.