BULACAN – NAHULI sa akto ng mga operatiba ng Meycauayan Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat katao kabilang ang isang assistant administrator ng isang eskuwelahan habang nasa loob ng isang motel sa Brgy. Salusoy na gumagamit ng droga.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director, Sr. Supt Chito Bersaluna, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Obet, ng Sta. Maria, Bulacan.
Kasama rin sa mga nadakip sina alyas Rio, Almar, JJ, at alyas Luigi na taga-Caloocan City.
Base sa impormasyon ng mga awtoridad, ipinapalit ng tatlong kalalakihan ang pagbibigay ng ligaya sa baklang suspek ang pagbatak o paghithit ng droga
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 1.5 gramo na nagkakahalaga ng P7,500. THONY ARCENAL
Comments are closed.