ISANG araw lang matapos mailibing ang kanyang kabiyak na si Leonardo “Father Remy” Monteverde, pumanaw naman ang showbiz icon at movie producer na si Lily Monteverde.
Nagluluksa ang industiya ng showbiz dahil sa pagpanaw ngayong Linggo ng umaga, Agosto 4, 2024 ni Monteverde na mas kilala sa tawag na “Mother Lily.”
Pumanaw ang Regal Films matriarch sa Medical City, Pasig City.
Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang ika- 85 kaarawan sa August 19 si Mother Lily.