ANG usapin tungkol sa paggamit ng CR ng mga LGBTQA+ na nagsimula sa kagustuhang umihi ng isang transgender sa CR na pambabae ay tila ‘di pa rin matapos na usapin. Patuloy pa rin itong dinidinig sa Senado at parang nanganak na ng nanganak ng kung ano-ano pang isyu.
Para kay Mother Ricky Reyes, na masayang nakihalubilo sa cancer patients sa Child Haus Manila na nagdaos ng ika-17 anibersaryo kamakailan, dapat ay mas pagtuunan ng pansin ng senado ang lumalalang corruption sa gobyerno, sa paghihirap ng magsasaka, sa mga maraming mga kababayan nating naghihirap at nakatira sa kalsada kaysa sa SOGIE Bill.
Ang Child Haus Foundation ay itinatag niya katuwang ang pilantropo at businessman na si Mr. Hans Sy.
Say pa rin ni Mother Ricky na tigilan na ang walang katuturang pag-ihi ng bakla sa CR na pambabae. Nararapat na raw na umayon kung ano talaga ang dapat at ‘wag nang ipagpilitan ang hindi naman puwede. Pagdating naman sa pagdadamit pambabae, may mga nag-bash kay mader hinggil dito.
Ani ni Mother, old school kung old school na ang dating, pero naniniwala pa rin siya na dapat ang value ng mga kabaklaan o ng isang tao ay andu’n pa rin kahit anong generation pa ang sangkot. How about Vice Ganda, na walang pakundangan magdamit babae, on national television pa?
Ani ni Mother, iba naman kasi ang kaso ng kay Vice Ganda, trabaho niya kasi ang involved at ito rin ang nagbibigay ng aliw sa kanyang mga tagapanood. Ang kay Mother lang, tigilan na ang pagdadamit ng babae ng mga bakla at kakalat pa sa kalye. Lumugar lang daw sa maayos.
Comments are closed.