Daan upang mapanatiling buhay ang kultura at wikang Filipino
HINDI na nga naman mapipigilan ang paganda nang paganda at pabilis nang pabilis na teknolo-hiya na nakatutulong sa pang-araw-araw nating gawain. Kumbaga, dahil sa mga naiimbento ay nagkakaroon tayo ng pagkakataong mapadali ang samu’t saring trabahong nakaatang sa atin sa araw-araw.
Hindi nga naman mabilang ang samu’t saring benepisyong naidudulot ng teknolohiya sa maraming Filipino. At ngayon nga, mapapansin nating maging bata ay nahuhumaling sa teknolohiya.
Pansinin na lamang natin ang mga bata ngayon na halos tutok na tutok ang mata sa kanilang tablet o smartphone. May ilan nga na hindi na inihihiwalay sa katawan ang gadget. Dala-dala nila ito saan man sila magtungo. At kapag hindi ito nakadikit sa kanilang katawan, tila ba may kulang.
At bilang adbokasiya na matulungan ang mga batang matuto gamit ang teknolohiya, naglabas ng ang Smart Communication ng mobile application—ang Digital Education For All: No Learner Left Behind na may limang literacy apps na ginawa ng Smart sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), local stakeholders, colleges at universities.
Ang limang literacy apps ay ang Bahay Kubo Tagalog app, Kaalam Cebuano app, Taallam at Tahderiyyah Arabic apps, at ang Matigsalug app para sa Matigsalug tribe sa Davao at Bukidnon.
“Smart believes mobile technology is uniquely positioned to help facilitate learning opportunities, which is why we have tailored initiatives to help address the needs of our partner learning communities,” ani Ramon R. Isberto, PLDT-Smart Public Affairs Group Head.
ALPHABET AND NUMBER GAMES, FOLK STORIES
Tampok sa Kaalam (Cebuano term for ‘knowledge’) app ang folklore stories gaya ng Ang Diwata sa Konta at Ang Kwentas ni Ingkco Candido na ni-retold ng residents ng Argao town sa Cebu province. Ginawa ang nasabing application sa partnership ng DepEd Cebu City at Cebu Province, local government ng Argao, Cebu Technological University – Argao Campus, at University of Cebu-Banilad.
Ang Ta’allam (Arabic term for ‘to learn’) ay ginawa para mismo sa mga Filipino Muslim sa pakikipagtulungan ng multimedia partners gaya ng DepEd General Santos at Sarangani, local government unit ng Sarangani, Mercy Foundation, Young Moro Pro-fessionals, at ACLC College Gensan. Bukod sa pagbabasa at pagbibilang, tampok din sa nasabing app ang Islamic prayers gaya ng Dua, Surah, Salah at Wudhu.
Ang kauna-unahang literacy app naman sa Bangsamoro children ay ang Tahderiyyah (Arabic term for ‘Kindergarten’). Naka-focus naman ito sa mga story na may Islamic value at expressions on top of Arabic alphabet at number games. Ang developing team ay kinabibilangan ng mga representative sa Bangsamoro Development Agency, FEU Institute of Technology, at Teach Peace Build Peace Movement.
Inspirasyon naman ang iconic house na naging simbolo ng tradisyon at kulturang Filipino, ang Bahay Kubo na nagtuturo ng Tagalog alphabet at numbers. Kalaunan din ay magkakaroon ito ng fun games at stories. Ang produktong ito ay sa effort ng Smart at Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, isang attached agency ng Department of Education.
REPRESENTING INDIGENOUS PEOPLES
Ang kakulangan ng localized educational materials ang isa sa problema ng indigenous people (IP) communities sapagkat hindi contextualize ang available learning materials.
Ito ang naging dahilan kaya’t binuo ang Matigsalug, ang kauna-unahang tribal app na mayroong songs, dances, at chants mula sa Matigsalug tribe ng Davao at Bukidnon.
Sa pamamagitan ng nasabing app, matututunan ng mga user ang tamang pag-pronounce ng Matigsalug letters at numbers, gayundin ang pagsulat nito gamit ang app-tracing games. Nabuo ito sa pagtutulungan ng Matigsalug tribe sa Sitio Contract, Datu Salumay, Marilog District sa Davao, Pamulaan Center of IP Education, ACLC College Davao at Gensan, at Skeptron Business Solutions.
Bukod sa limang apps, naglalayon ding mag-launch ang Smart ng marami pang literacy apps sa 2019. Kabilang dito ang Sanut Ilokano para sa Ilokano-speaking regions, Gnare Blaan at Tagakaulo para sa children ng Sarangani, at Singsing Kapampangan app.
DIGITAL PORTABLE CLASSROOMS
Ang tina-target na primary beneficiary ng literacy apps ay ang mga mag-aaral, guro at magulang ng learning communities ng Smart’s School-in-a-Bag, isang portable digital classroom na ginawa upang magturo ng basic education. Ang digital portable class-rooms ay mayroong teacher’s laptop, student tablets, projector, DVD player, at pocket Wifi.
Naglalaman ng educational content ang mga device. Ang mga paaralang walang sufficient electricity ay makatatanggap ng solar panels.
Ang School-in-a-Bag beneficiaries ay makatatanggap ng Dynamic Learning Program modules, teacher training courses, at regu-lar monitoring at evaluation mula sa Smart.
NO LEARNER LEFT BEHIND
“Our mission is to develop mother tongue based apps as interactive tools that can help support learning strategies, as well as help preserve and promote local culture and heritage for the present and future generation,” paliwanag ni Isberto.
Ayon naman kay Darwin F. Flores, Smart Community Partnerships Head: “From partnerships with government and non-government offices, local government units, companies, academe, advocacy groups, and media, we all need to work together to help build a nation where no learner is left behind.”
Ang mother tongue apps ay maaaring i-download sa Google Play.