BUKOD sa mahigpit na panawagan na agarang resolbahin ang pagpatay sa isang dating editor ng national tabloid, nais ng isang ranking lady official ng Kamara na tukuyin din ng mga awtoridad kung ano ang tunay na motibo sa naturang krimen.
Paggigiit ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep Rowena Nina Taduran, maituturing isang karumal-dumal na kaso ang pagpaslang kay Gwen Salamida, dating editor ng tabloid na Remate, kung kaya kailangang managot sa batas ang sinumang nasa likod nito.
“Huwag sanang tigilan ang imbestigasyon at pagtugis sa mga may kinalaman sa pagkamatay ni Salamida. Alamin din kung talagang pagnanakaw lang ang motibo o may iba pang dahilan ang pagkakabaril sa kapatid natin sa media,” pagbibigay-diin pa ni Taduran.
Ayon naman sa kongresista, kapag tuluyang naisabatas ang kanyang inakdang Media Workers Welfare Bill, ang mga miyembro ng media na biktima ng krimen, aksidente at iba pang kadahilanan ng kamatayan habang aktibong nagtatrabaho sa industriya ay makakakuha ng mga benepisyo sa pamamagitan ng insurance.
Magugunita na si Salamida, na nagmamay-ari ng salon sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, ay binaril hanggang sa mapatay ng dalawang katao na sakay ng motorsiklo ilang araw ang nakalilipas. ROMER R. BUTUYAN
839418 608874hi this post help me full . .if you want watches men check out my web sites is extremely help you for men watches. .thank man excellent job. 808126