MOTOR AT TRAYSIKEL NAGSALPUKAN,  1 UTAS

motor vs tric

ISABELA – BINAWIAN na ng buhay ang isang tsuper sa salpukan ng motorsiklo at traysikel sa lansa­ngan na bahagi ng Brgy. Lomboy, Angadanan.

Kinilala ang nasawing tsuper ng motorsiklo na si Richard Ventura, 29 anyos, at residente ng Brgy. Dagupan, Alicia, Isabela.

Habang ang suspek ay si Wilfredo Idio, 61 anyos, tsuper ng tricycle at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni P/Capt. Francis Pattad,  hepe ng PNP Angadanan sa inisyal na  imbestigasyon ng kanyang kapulisan ang dalawang behikulo ay galing sa magkasalungat na direksyon at nang makarating sa nabanggit na lugar ay rito naganap ang salpukan.

Nagtamo ng matinding sugat sa kanyang katawan ang biktima na agad dinala sa pagamutan subalit agad ding binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang suspek para sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in Homicide and Damage to Property. REY VELASCO

Comments are closed.