CAGAYAN-WALA pang lead ang pulisya matapos pagbabarilin hanggang mapatay ang isang lalaki ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo sa bayan ng Rizal.
Kinilala ni P/MSgt. Charles Odan, imbestigador ng PNP Rizal, ang biktima na si Alex Gumabay, 32, may asawa at residente ng Barangay Centro-2, Enrile, Cagayan, ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan makaraang pagbabarilin sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa pagsisiyasat ng PNP Rizal, papauwi na sana ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo sa bayan ng Enrile nang sundan ng dalawang salarin sa bahagi ng Barangay Calaocan, Rizal.
Nakatakbo ang biktima sa isang palayan ngunit naabutan ito ng dalawang suspek at doon na siya sampung beses na binaril gamit ang kalibre .45 hanggang mamatay.
Ipinagtataka naman ng PNP Rizal at ng pamilya nito kung ano ang ginagawa ng biktima sa nasabing lugar. IRENE GONZALES
Comments are closed.