MOTOR RIDERS ‘ILULUGAR’ PARA HINDI SUMISINGIT

TUTULONG ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) para sa maayos na trapiko sa Commonwealth Avenue at maging sa Edsa.

Pokus ng pag-alalay ng PNP-HPG na ang maiwasan ang sakuna na kadalasang kinasasangkutan ng motor rider

Sinabi ni Brig Gen. Clifford Gairanod, director ng PNP-HPG na kailangan nilang alalayan ang MMDA, LTO at maging ang Land Transportation Franchising Regulatory Boars (LTFRB) sa pagsasaayos ng daloy ng sasakyan sa Commonwealth Avenue.

Tukoy din aniya ang sanhi ng disgrasya dahil sa mga motorsiklo.

“Tutulungan namin yung MMDA at saka yung LGU kasi nung umupo ako nung Agosto pinagmi-meeting ko lahat yung MMDA, LTFRB, LTO kasi nakikita ko yung problema natin lalo na sa EDSA. Tapat yung Crame ng EDSA hindi ba. So nakikita ko lagi yung motor kung saan saan nakabalagbag at nakakatakot sa disgrasya mahilig sumingit?” ayon kay Garainod.

Aniya, kaya nadidisgrasya ang motor rider ay dahil sa singit at hindi sila nakikita ng mga 4-wheeler vehicle.

Bukod sa Commonwealth ay maari ring mabigyan ng linya ang motorsiklo sa EDSA at Macapagal.

“Yes, tama kayo kasi yung pagda-drive natin ng kotse or 4-wheels ay may mga blind sides yan. So hindi natin mahagilap yung mga motor na kung saan-saan lumulusot. So diniscuss namin doon kung paano namin maano yung motorcycle. Actually hindi ito lang ito sa Commonwealth Avenue ang pinag-usapan namin noon. Inopen up ko rin yung EDSA, pati na rin yung Macapagal pero alam ko inuuna lang muna itong Commonwealth, baka isusunod na rin yung EDSA at Mapacapagal Avenue,” dagdag ng HPG Director. EUNICE CELARIO