MOTORCADE SA HALIP NA PRUSISYON SA BIYERNES SANTO

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna, gaya ng napagkasunduan ng city government, Quiapo Church authorities at Hijos of the Black Nazarene na motorcade ang isasagawa sa halip na regular na prusisyon sa Biyernes Santo at ang kalalabasan nito ang siyang magiging sukatan kung papayagan na ang ‘Traslacion’ sa 2024.

Ang kasunduan ay naganap matapos ang pulong na ginawa mismo sa tanggapan ng alkalde na nagtatakda ng motorcade sa ganap na 12:01 ng madaling Araw ng Biyernes Santo na magsisimula sa Quiapo Church at dito rin magtatapos.

Ayon sa alkalde, ang ruta ay kapareho rin ng taunang Traslacion na siyang susundin sa gagawing motorcade, mahalaga ito upang malaman kung ang Pista ng Itim na Nazareno ay ipinagdiriwang sa Enero 9 sa susunod na taon.

Base sa impormasyon, ang dami ng bilang ng mga deboto na dumadagsa tuwing prusisyon ng Biyernes Santo ay kalahati ng bilang ng mga dumadalo sa taunang ‘Traslacion’ o prusisyon ng Itim na Nazareno.

“This motorcade will be a prelude to ‘Traslacion 2024.’ If successful and good, we would highly consider having Traslacion again in 2024. If it’s already sloppy, how about Traslacion? That’s why we are calling especially the Hijos to police their ranks,” diin ni Lacuna.

Sinabi pa ng alkalde na ang city government ay magkakaloob ng lahat ng kakailanganin para sa mapayapa at maayos na motorcade sa tulong ng Manila Parking and Traffic Bureau, City engineering office, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Police District, department of public services, at iba pa.

“’Don’t worry, to our devotees of the Dear Lord Nazarene, because this is in preparation for the bigger celebration of the Feast of the Nazarene on January 9, 2024. So we all agreed that this coming Good Friday will be the basis of how the celebration can be done properly in 2024,” anang alkalde.

“We are all excited to do the motorcade properly so that in January we will have a bigger celebration,” pahayag pa ng alkalde.

Sa bahagi naman ni Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. of the Minor Basilica in Quiapo at ng Hijos del Nazareno ay nanawagan sila sa lahat ng mga deboto na ipakita sa lahat na sila ay disiplinado at kayang maging maayos habang ipinadarama ang kanilang malalim na pananampalataya.
VERLIN RUIZ