MOTORCYCLE BACKRIDING MASUSING PAG-ARALAN

SEN BONG GO-2

NANAWAGAN si Senator Christopher Bong Go sa Inter-Agency Task Force at National Task Force for COVID-19 na masusing pag-aralan ang mga proposal sa motorcycle backriding  para makatugon sa kinakailangang health and safety protocols sa mga driver, backrider at ng publiko.

Ani Go, bagaman pinapayagan na ng pamahalaan ang backriding partikular ng mga mag-asawa, hinimok naman nito ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na kumonsulta rin sa riders at motorcycle safety experts para matukoy ang mas epektibong  measures.

Iginiit ni Go na dapat bigyan ng mga ahensiya ang mga Pinoy ng mabisang solusyon at hindi dagdag na konsumisyon habang tinitiyak na ligtas ang mga shields o anumang ikakabit sa mga motorsiklo  para maiwasan ang aksidente.

Una nang tiniyak ni Go ang kanyang suporta sa desisyon ng IATF na payagan  ang backriding sa mga mag-asawa dahil limitado pa rin ang public transportation pero dapat masiguro ang safety measures  na gagamitin.

Aniya, mahalagang pakinggan din ang concerns ng riders dahil sila naman ang apektado at makikinabang sa mga hakbang para sa mga motorsiklo.

Dagdag pa ni Go, maliban sa pagsunod sa mga batas trapiko, kailangang masiguro  na ang sinasakyang  motor  ay road worthy kaya kailangan ang disenyo na iri-require ay ligtas at hindi magiging sanhi ng aksidente at mapipigilan ang pagkalat ng sakit. VICKY CERVALES

Comments are closed.