MOTORCYCLE BARRIER ‘DI NA KAILANGAN SA MAG-AANGKAS

MOTORCYCLE

PINAPAYAGAN na ng National Task Force for COVID-19 ang pag-aangkas sa motorsiklo nang walang barrier o harang sa mga naninirahan sa iisang bahay, sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) simula  Agosto 19.

Gayunman, ang mga hindi naman nakatira sa iisang bahay ay kinakailangan pa ring magsuot ng inaprubahang backpack-like shield na dinisenyo naman ng ride hailing app na Angkas.

Nilinaw ng National Task Force na kinakailangang awtorisado pa rin ang mga aangkas sa motorsiklo, habang ang driver naman ay papayagan kahit hindi authorized person outside of residence (APOR).

Bukod dito, kailangan na pribadong pag aari ng mga ito ang motorsiklo at hindi nirentahan.

Dapat ay naka-face mask at full face helmets ang mga magka-angkas habang bumibiyahe.

Samantala, binibigyan naman ng National Task Force ng awtorisasyon ang local authorities kung magpapatupad ang mga ito ng kaparehong alituntunin batay na rin sa kanilang lokal na sitwasyon.

Samantala, sinabi naman ni Lt Gen Guillermo Eleazar, Task Force COVID Shield commander na kailangang magpakita ng proof o ID o certification ng barangay na magkasama sa isang bubong ang mag-aangkas.

Nilinaw din ng heneral na ang motorcycle barriers ay mananatiling requirement sa mga  driver at back-rider na naninirahan sa magkaibang bahay kahit pa magkamag – anak sila. VERLINRUIZ/DWIZ882

Comments are closed.