MOTORCYCLE RIDER NAG-OVERTAKE NASAGASAAN

Rider

QUEZON – DEAD on the spot ang isang motorcycle rider matapos itong sumabit sa isang pampasaherong jeep bago tuluyang sumalpok at magulungan ng isang water tanker sa Maharlika Highway sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Kinilala ang nasawi na si John Marbien De San Juan, 20-anyos, at residente ng Santa Veronica University Site Village.

Nakilala naman ang driver ng utility jeepney na si Roberto Idea, 58, ng Brgy. Sipa, Padre Burgos, at driver ng water tanker na si Julius Himor, 39, ng Carolina St., San Fernando Compound, Brgy. Cotta.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-overtake sa pampasaherong jeep si De San Juan at sumabit sa tagiliran ng jeepney na naging dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela bago sumemplang at bumangga sa kasalubong na tanker saka nasagasaan.

Basag ang ulo ng biktima kanit na nakasuot ito ng helmet at nagtamo rin ng mga sugat sa katawan na nagawa pang dalhin sa ospital ng mga rumes­pondeng rescue team ng Lucena City subalit hindi na naisalba pa. BONG RIVERA

Comments are closed.