MOTORCYCLE TAXI BINALAAN SA SOBRANG SINGIL NG PASAHE

NAKATAKDANG imbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang napaulat na labis na paniningil ng pamasahe, partikular na ang mga motorcycle (MC) taxi.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hindi nito kukunsintihin ang anumang paglabag tulad ng sobrang pagsingil ng pamasahe sa transport system.

“We do not and we will not tolerate any violation such as overcharging of fares within the public transportation system. The fare matrix was crafted to ensure that the fares charged by all public transport operators from commuters regardless of vehicle type are fair and equitable,” pahayag ni Guadiz na siya ring namumuno sa Motorcycle Taxi – Technical Working Group (MC-TWG).

Ang MC-TWG ang nangangasiwa ng pilot study para sa MC Taxi.

“We reiterate that this practice of overcharging has no place in our public transportation system,” saad ng opisyal
Dagdag pa ng LTFRB chief, may fare matrix na ginawa upang matiyak na patas ang mga pamasahe na sinisingil ng lahat ng mga operator ng pampublikong sasakyan mula sa mga commuter.

Makikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Motorcycle Taxi – Technical Working Group para tutukan at imbestigahan ang isyu ng overcharging. BENEDICT ABAYGAR, JR.