MOTORCYCLE TAXIS, BOOKINGS SUSPENDIDO

motorcycle taxis

HINDI  papayagan ang mga motorcycle taxi  na bumiyahe sa  mga lansangan sa  Metro Manila sa isang buwang  quarantine period bilang bahagi ng  pagsisikap ng gobyerno na  maiwasang maikalat pa ang coronavirus disease 2019.

Ito ay makaraang ianunsiyo ng Department of Transportation  kahapon sa  press conference  ang suspensiyon  ng  pilot implementation  ng motorcycle taxis tulad ng Angkas, JoyRide at Move It, simula ngayong araw, Marso 15.

Gayundin ay  hindi papayagan ang ride-hailing services  na tumanggap ng  multiple bookings  para sa isang biyahe  sa buong panahon ng  community quarantine.

Hatinggabi kanina nang simulan nang ipa­tupad ang Metro Manila quarantine.

3 thoughts on “MOTORCYCLE TAXIS, BOOKINGS SUSPENDIDO”

Comments are closed.