MOTORCYCLES ACT OF 2015-10 PARA SA KALIGTASAN NG MGA BATA IPINAALALA NG LTO

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada! Gaya po ng dati, bati ko sa inyo, nawa’y ligtas kayo saanumang kapahamakan at sana po ay nasa maaayos na kondisyon ang ating kalusugan. Ibayo pong pag-iingat lalo na at nakarating na po sa bansa ang UK variant ng higit na mapaminsalang COVID-19, ayon sa mga eksperto ng kalusugan. Kaya po, ingat lang tayo at huwag kaliligtang  sundin ang ipinatutupad na health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing. Mahalaga pong paksa ang ating tatalakayin ngayon, ang batas na nagbabawal sa mga  small children na sumakay sa motorsiklo.

Ito ay ang Republic Act No. 10666 o ang Children’s Act of 2015 na nagbabawal sa sino mang tao, driving two wheeled motorcycle from taking a child for a ride along public roads kung saan nagkakaroon ng trapik o high density of fast moving vehicles, at mahigpit na ipinatutupad ang mahigit sa 60 kilometers per hour speed limit. Bagaman ang nabanggit na batas ay  sinimulan nang ipatupad noong Mayo 19, 2017, parang isang limot na alaala na lamang ito ngayong panahon ng pandemya kaya muling ipinaaabot sa kaalaman ng madla ang lubhang higpit na  paggpapatupad nito  para sa kapakanang pangkaligtasan. Napansin ng LTO na ngayon, palasak sa mga lansangan ang mga motoristang gumagamit ng motorcycle  sa maraming kadahilanan, matipid sa gasolina, mabilis  makarating sa patutunguhan, idagdag pa ang kahirapan ng pagsakay sa mga pampublikong sasakyan dahil sa mga restrictions na inilatag para matugunan ang kahingian ng pandemic protocols.

Para sa ibayong ikauunawa ng motorcycle riding public, minabuti ng LTO na muling ipaalala ang mga gabay na panuntunan sa paggamit ng motorsiklo.

Ayon sa LTO, ang RA 10666 o ang Children’s Safety Act of 2015 ay mahigpit na nagbabawal sa sino mang tao namagmaneho ng motorisklo sa mga public roads na may kaangkas o with a child on board. Ano-ano ba ang mga lansangang sakop ng naturang batas? Itinatadhana sa naturang batas ang  pagbabawal sa pagpapatakbo ng motorsiklo na may kaangkas na bata sa mga pambansang lansangan sa buong bansa tulad ng sa  highways, provincial roads at mga lansangan sa barangay, kabilang din ang mga lansangan kung saan nagkakaroon ng trapik, high density of fast moving vehicles o ang may speed limit of more than 60 kph ay ipinatutupad.

Ano-ano bang uri ng motorcycle ang sakop ng RA 1066? Ayon sa LTO, sakop nito ang two wheeled motor vehicles na may isa o dalawang riding saddles. Nilinaw ng LTO na ang ‘child’ ay tumutukoy sa may edad 18 below. Gayunman, kung ang child passenger can comfortably reach his feet on the standard foot peg ng MC, the child’s arms can reach around and grasp the waist of MC rider; at ang bata ay may suot na standard protective helmet o kaya ay mayroon itong suot na reflectory fast. Nagbabala ang LTO na papatawan ng multa ang sino mang motorcycle rider na lalabag sa batas na ito at mga  patakaran na nakatadhana rito tulad ng sa unang paglabag ay multang  P3,000; ikalawang paglabag, P5,000 at sa ikatlong paglabag at P10,000 at isang buwang suspension ng driver’s license.

SINO ANG MAGPAPATUPAD NG BATAS NA ITO?

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang binigyan ng kapangyarihan na mag-deputize ay ang mga miyembro ng Philippine National Police, Metro Manila Development Authority at ang local government units to carry out enforcement and duties. Lubhang mahalaga ang batas na ito ayon  sa LTO sa kadahilanang ito ay isang “pro-active approach to secure the safety of child passenger and it is the policy of the state to protect the safety of children”.

MGA HINDI KASAMA SA 10-POINT GUIDELINES

Itinatadhana sa Children’s Safety on MC Act of 2015-10 na hindi sakop ng 10- point guidelines ang: If you are in violation of the law and it results in injury or even death of a child presence or any other persons ay papatawan ng parusang pagkakulong ng isang taon, gayundin ang operator ng motorsiklo ay papatawan din ng katulad na parusa. Ang naturang multa ay maaaring itaas ng LTO minsan kada tatlo hanggang limang taon. Gayunman, bago ipatupad ang pagtataas ng multa ay kailangang magkaroon muna ng public consultation, kada tatlong taon sa halagang hindi naman sosobra sa 20 porsiyento ng halagang itataas o ia-adjust, paliwanag pa ng LTO.

MGA BAGONG AERO JUMBO JEEP PARA SA PUVMP NASA BANSA NA

Inihayag kamakailan ng Department of Transportation (DOTr) na dumating na sa bansa ang 10 bagong unit ng aero dynamic jumbo jeeps na nasa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization program (PUVMP) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Buong lugod namang kinumpirma ni Orlando Marquez, pambansang pangulo ng Liga ng Transportation sa Pilipinas(LTOP), ang naturang balita. Si Marquez ang masugid na nagsusulong ng Jumbo Jeep maraming taon na rin ang nakalipas sa  hangarin nitong magkaroon ng bago, matibay, maaasahan at sa  pagkakakitan ng mga nakatalaga sa industriya ng pamasamasada bilang hanapbuhay.

Sa pakikipanayam kay Marquez, inihayag niya na ang pagkakagawa ng nasabing jumbo jeep ay certified ng Internationjal Engineers Safety Standard dahil ginawa ng isa sa mga pinakamalaking vehicle manufacturing sa mundo kayamapagkakatiwalaan ang kaligtasan nito  higit sa lahat ang pagkakaroon nito ng katiyakan sa roadworthiness, ayon sa umiiral na batas at regulasyon ng DOTr-LTFRB, paliwanag ni Marquez.

Ngayon pa lang, naniniwala ang maraming mananakayangmamamayan na ito na marahil angmakatutugon sa pambansang pangangailangan ng mamamayan sa kakulangan ng maaasahang transportasyon na gugulong sa lansangan. Bagama’t wala pang pahayag kung kalian ito magro-roll on the road, hintayin na lamang natin kung kalian ito magiging accessible para sa riding comfort ng mamamayang commuters, sabi ni Magquez.

PAGLILINAW SA FACE MASK POLICY PARA SA PRI­BADONG DRAYBER HINILING

Naghain kamakailan ng kahilingan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa LTO ng paglilinaw sa patakaran nito sa pagsusuot ng face mask habang nagmamaneho nang mag-isa at walang kasakay na pasahero. Ayon sa pahayag ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, marami silang tanong na natatanggap tungKol sa ano ba ang malinaw na patakaran sa pagsusuot ng face mask sa pribadong sasakyan.

Daing ng mga naging biktima ng panghuhuli kamakailan sa ilang mga drayber sa kasong hindi pagsusuot  ng face mask samantalang sila naman ay walang kasakay na pasahero o mag-isang nagmamaneho ng sasakyan. May Memorandum Circular (MC 2020-2185) na ipinalabas noong May 12, 2020 – guidelines in the Enforcement of Regulation ng DOTr kaugnay sa operation ng LTO sa mga lugar na  nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Inton, nakatadhana sa Art. III Sec. 4 (b)  na “all drivers and passengers of private and government vehicles ay kailangang magsusot ng face mask sa lahat ng panahon ng pagmamaneho.” Sinabi ni Inton na ang nasabing tadhanain ng Art. III Sec. 4 (b) ay nagdudulot ng kalituhan dahil may mga  hinuli umanong driver kahit walang pasaherong kasakay. Bigay paliwanag naman ng LTO, kapag ang drayber ay mag-isa lang at walang pasahero ay puwede naman na walang suot na mask ngunit kapag may pasahero ay  mandatory na may suot itong face mask.

Sa ganitong kadahilanan, ang drayber at ang pasahero na mahuhuling walang suot na face mask ay mahaharap sa parusang multang P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawang paglabag at P3,000 sa ikatlong paglabag at sa ikaapat na paglabag ay pagkansela ng draiver’s license.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. STAY SAFE AND HAPPY MOTORING!

Comments are closed.