NAHILO ang maraming motorista sa muling pagbubukas ng U-turn slots kamakailan sa bahagi ng QC Academy at Dario bridge sa Edsa, Quezon City.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers fir Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi lahat ng sasakyan ay nakakadaan sa ilang binuksang U-turn slots bunsod ng ilang ipinatutupad na paghihigpit.
“Una ang U-turn slot sa Quezon City Academy ay para lamang sa light vehicles pero meron itong kasunod na restrictions – bawal pumasok sa QCA U-turn slot and mga sasakyan kahit pa light vehicles mula sa Misamis St. at SM Annex na parehong nasa SM North Edsa at mula sa Nueva Ecija St.at mga gusaling malpit dito. Bawal din ito sa mga sasakyan mula Bansalangin St. at mga gusali at gasolinahan malapit rito,” pahayag ng abogado.?
Ayon pa rito, mula QCA U-turn slot ay bawal din tumungo sa Corregidor Street at Bansalangin Street.
“Ang ibig sabihin niyan, hindi lahat ng sasakyan ay makakapag U-turn sa academy, dapat light vehicles lamang at hindi galing sa mga lugar na nabanggit, saad ni Inton.
“Ikalawa ang U-turn slot naman sa Dario bride ay para lang sa emergency vehicles at marked government vehicles – ibig sabihin mga ambulansiya ay mga sasakyang for official used only, eh kung government official ka at gamit mo ang personal mong sasakyan eh hindi ka pa rin makaka daan sa U-turn slot na yan,” litanya pa ni Inton.
Ipinarating pa ni Inton na gusto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DoTR) na maging mabilis ang biyahe ng mga bus sa Edsa upang mahikayat nila ang mga car owner na gumamit ng public transport.
Batay sa pag-aaral, may malaking porsiyento ng private vehicles ang isa o dalawang pasahero lamang at 70 porsiyento ng dumaraan sa Edsa ay mga pribadong sasakyan.
“Sa panahon ngayon na pandemya at may sarili kang sasakyan mas pipiliin mo bang mag public transport na madalas nasasakripisyo na sa physical distancing? Sana nama’y mabigyan ng solusyon ang problemang ito at walang kasalanan ang mga dumaraang motorista,” dagdag pa ni Inton. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.