MOTORNAPER NAKIPAGBARILAN SA PULIS, TUMBA

MOTORNAPER

VALENZULA CITY – ISANG umano’y no­toryus na magnanakaw ng motorsiklo na tumangay sa motorsiklo ng kanyang huling biktima ang patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa lungsod na ito, kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay Valenzuela police chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, si Benjamin Bryan Taroy, 34 ng 1017 Que Grande, Brgy. Ugong ay hindi umabot ng buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Positibo namang kinilala ni Abner John Amurao ang suspek na isa sa tumutok sa kanya ng baril at sapilitang tumangay sa kanyang kulay orange na Yamaha sa kahabaan ng  Capt. Cruz St., Brgy. Parada alas-12:39 ng madaling araw.

Agad humingi ng tulong si Amurao sa Valenzuela police Anti-Carnapping Unit na nagsagawa ng follow-up operation.

Bandang alas-2:45 ng madaling araw, nakatanggap ng impormas­yon ang mga pulis na naispatan ang suspek sa Que Grande Street kaya agad ikinasa ng mga tauhan ng ANCAR, Station Intelligence Branch (SIB) at Special Operation Unit (SOU) ang police operation.

Subalit, nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga pulis, naglabas ito ng baril at nakipagbarilan sa mga awtoridad hang-gang tamaan ito sa katawan na naging dahilan upang isugod sa naturang pagamutan.

Narekober ng mga pulis sa kuta ng suspek ang tunangay na motorsiklo kasama ang apat na magkakai-bang brand ng motorsiklo, tatlong kinatay na motorsiklo at ilang iba’t ibang plate numbers.    VICK TANES