DAVAO DE ORO – SUGATAN ang ama at anak nitong babae nang magliyab ang sinasakyan nilang motorsiklo habang binabaybay ang Barangay Camanlangan, New Bataan.
Nagtamo ng second degree ang 40-anyos na amang biktima gayundin ang menor na anak.
Sa imbetigasyon ng PNP New Bataan, nagliliyab ang motorsiklo pagdating sa lugar kung saan ito natumba.
Bunsod ng pagkatumba ay tuluyan nang kumalat ang apoy dahil sa gasolina.
Sunog ang buong katawan ng tatay at anak na nagsilbi na leksiyon ito sa mga nakasaksi na kailangan tiyakin ang kondisyon ng motorsiklo, bago magpatakbo.
EUNICE CELARIO