ZAMBALES – BUHAY ng karnaper ang naging kapalit sa pagbawi sa kanya ng motorsiklong kanyang tinangay sa bayan ng Narciso kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, nagsagawa sila ng follow-up operations hinggil sa tinangay na motorsiklo ni Pastor Jayson Sambili na taga-San Antonio.
Pasado alas-2 ng madaling araw nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa kinaroroonan ng nawawalang motorsiklo na kulay berde kaya nagresponde ang mga ito.
Sa pagdating sa lugar ay namataan nila ang kahina-hinalang lalaki na nakasuot ng kulay pink na long sleeve at dark pants, may taas na 5’2”, katamtaman ang laki at dark complexion sa Brgy. San Juan, San Narciso.
Nang sisitahin sana ng pulisya ay agad nagpaputok ang lalaki kung saan tinamaan si PCpl. Arnold Dumlao na nakasuot ng bullet proof vest kaya hindi ito nasugatan.
Napilitang gumanti ang pulis laban sa lalaki na tinamaan ng punglo na naging sanhi ng kamatayan nito.
Narekober ang motorsiklo, at isang cal .28 baril sa suspek. EUNICE C.
Comments are closed.