MOTORSIKLO SA KALSADA TULOY SA PAGDAMI

TULOY sa pagdami  ang bilang ng mga motorsiklo sa kalsada.

Sa datos ng Land Transportation Office (LTO) mula nitong Oktubre 2019, aabot na sa 7.23 milyon ang bilang ng mga rehistradong motorsiklo sa buong bansa.

Mas marami na rin ang bumibili nito kumpara sa mga sasakyang may apat na gulong.

Sa Taon 2019 ay mahigit dalawang milyong bagong motorsiklo  ang nakarehistro kumpara sa mahigit 300,000  na sasakyan

Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na umaasa ang LTO na panandalian lamang ang pamamayagpag ng mga motorsiklo sa kalsada.

Maghihigpit na kasi ang LTO sa pagbibigay ng lisensya sa mga nais magmaneho ng motorsiklo.

Lumilitaw sa datos ng World Health Organization (WHO) na  ang aksidente sa motorsiklo pa rin ang numero unong dahilan ng pagkamatay sa kalye.

Comments are closed.