MOTORSIKLO VS VAN: 1 TODAS, 1KRITIKAL

QUEZON- PATAY ang isang rider habang kritikal naman ang angkas nito nang salpukin ng van kamakalawa ng gabi sa Candelaria sa lalawigang ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya binabagtas ng van ang Maharlika highway sa Barangay Poblacion nang bigla umanong sumulpot ang isang motorsiklong sakay ang dalawang lalaki.

Sa ginawang pagsisiyasat ng tanggapan ni Col. Arnulfo Selencio, hepe ng Candelaria police station, mabilis umano ang takbo ng van sa nasabing highway kung kaya’ t hindi na nito nagawang umiwas sa motor na tatawid ng highway patungo sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nahagip ng van ang unahang bahagi ng motor dahilan para tumilapon ng ilang metro ang rider na nakilalang si John Kelly Dagli, 23-anyos, binata at ang angkas nito na nagtamo ng mga bali sa paa at mga braso nito.

Agad na isugod ng rescuers at miyembro ng Municipal Risk Reduction Disaster Management Office ang backrider na ngayon ay nasa Intensive Care unit.

Mabilis naman sumuko ang driver ng van na nakilalang si Bam Rabusca, 45-anyos, may- asawa at residente ng Taguig City.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, severe physical injuries at damage to property. ARMAN CAMBE