MOU SA UHC PROGRAM NG DOH NILAGDAAN NA

PANGASINAN- PINANGUNAHAN ni Ilocos Region Regional Director Paula Paz M. Sydiongco katuwang sina Pangasinan Governor Amado I. Espino III at Philhealth Regional Vice President Dennis B. Andre ang pagla­lagda sa Memorandum of Understanding para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) program sa nasabing lalawigan nitong Biyernes.

Nagpahayag naman ng full support si Pa­ngasinan Gov. Espino sa implementation ng UHC sa kanyang lalawigan dahil malaking tulong sa constituents partikular na sa mga pasyenteng nangangailangan ng medical care at treatment.

Tutulong naman ang DOH sa pagbibigay ng technical at financial support sa Pangasinan kapag nagsimula na ang UHC program kung saan nakasaad sa probisyon ng UHC act na may 6-year transition period para sa integration ng local provider networks sa nasabing lalawigan at city health system.

Sa ilalim ng UHC, lahat ng Pinoy ay awtomatikong kasama sa National Health Insu­rance Program (NHIP); guarantees immediate eligibility sa program benefits; at sa Philhealth to come up with a comprehensive outoatient package which include outpatient drugs.

Paliwanag pa ni RD Sydiongco, pag sinabi na UHC, it means na lahat ng tao, mahirao o ma­yaman ay makatatanggao ng serbisyong pangkalusugan na walang iniisip na babayaran. Kasama dito ang full spectrum of essential, quality health services, mula health promotion hanggang sa prevention, treatment, rehabilitation, at palliative care.

Binigyan din si Sydiongco na kailangan ng pagtutulungan ng mga provincial at local na pamahalaan upang ang UHC program ay mai­taguyod ng maayos para sa lahat ng ating kababayan.

Nabatid na ang Pa­ngasinan ay ikalawang lalawigan na pumasok sa MOU ng DOH paea sa implementasyon ng UHC orograms sa nasabing rehiyon kung saan maging ang La Union ay pumasok na rin sa MOU noong Marso 1, 2022. MHAR BASCO