ISA RIN si Anne Curtiz na hindi pinalalampas ang mga hindi magagandang comment sa kanya, lalo na kapag siya ay tinatarayan na ng basher. Talagang pinapatulan niya ang mga ito kung kinakailangan.
Tulad ng natuwa si Anne sa music video na DDU-DU DDU-DU ng Black Pink na katulad raw ito ng video ng unreleased concert poster niyang Annekulit: Promise, Last Na `To.
“OMG BLACK PINK`S NEW MV IS ALMOST THE SAME FEELS AS MY CONCERT POSTER. DYING OF KILIG!!!” tweet ni Anne.
BIGLANG may sumagot na basher kay Anne: “Kapal ng mukha mong palabasing kinopya ng Black Pink yung poster ng concert mo. Dying of kilig ka pang nalalaman, n-y-e-t- ka.”
Na sinagot ito ni Anne para maging malinaw ang naging tweet niya sa basher.
“Haha girl. That not what I meant. Hindi pa nga lumalabas ‘yung poster ko. So paano ko puwede sabihin na gayahin. I`m just saying kilig kasi ALMOST same feels na smoke.
‘Get your facts straight first & intindihin ung post ko bago ka rat rat ng rat rat diyan sis. And I, thank you.”
Samantala, biktima ng pamimirata ang blockbuster movie nila ni Dingdong Dantes na Sid & Aya sa online. Kalat na kalat na at na-upload na ito sa Facebook.
Babala tuloy ni Anne sa kanyang Twitter tungkol sa ginagawang pamemera ng mga pirata.
“To everyone that`s sharing all the illegal uploads of our movie Sid & Aya on Facebook. Thank you @VIVAFilms on reporting them. Sa mga nag-upload, sana ma-guilty kayo!” warning ni Anne.
Tanong tuloy ng mga nagmamahal sa local movie industry. Kailan daw talaga mangyayari na bibigyan ng proteksiyon ng gobyerno ang ating local films.
Mabuti na lang bago napirata ang Sid & Aya ay kumita na ito sa takilya. Kung nagkataon na kapapalabas pa lang nito sa mga sinehan at saka ito napirata ay siguradong hihina ang kita nito sa takilya.
ANAK NI JOSE MANALO MADAMDAMIN ANG FATHER’S DAY MESSAGE
VERY touching message ang natanggap ni Jose Manalo sa kanyang anak na si Myki para sa pagse-celebrate ng Father`s Day. Kilala lang kasi si Jose na nagpapatawa sa TV at parang easy go lucky lang sa buhay.
Ang hindi alam ng karamihan ay good provider sa kanyang mga anak si Jose kahit na hiwalay na siya sa ina ng kanyang mga naging anak. Hindi siya naging pabayang ama sa kanyang mga anak at isa nga si Myki na isa nang Surgical Resident ng Capitol Medical Center.
Nakaka-touch ang message ni Myki sa ama na ipinost niya sa kanyang Instagram wall.
“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet. Eventually I cried so hard I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy. Happy Father`s Day!”
Hindi mahilig sa social media si Jose. Basta may cellphone lang siya para makatawag at matawagan. Pero sigurado kami na nakarating ang very touching na Father`s Day message ni Myki sa kanya.
Nakakaiyak ang message ni Myki kay Jose at sigurado kami na kapag nabasa na ito ng actor/TV host ay ikatutuwa at ikakataba niya ng puso.
Comments are closed.