MOWELFUND MAY AYUDA PARA SA MGA MIYEMBRO ACTIVE O INACTIVE

MOWELFUND

TINATAWAGAN ng MOWELFUND ang lahat ng members nila, active or inactive man.  Ipinaaalam nina Ms. Boots Anson Rodrigo at Rez showbiz eyeCortez, mga namamahala ng nasabing samahan na itinayo ni dating President Joseph Estrada, na magbibigay ng ayuda at cash assistance sa mga miyembro, bilang bahagi ng programang Mowelfund Cares/COVID-19 Alleviation and Recovery Enhancement Support.

Walang gagawin ang mga miyembro kundi makipag-ugnayan sila sa Mowelfund office, tumawag lamang sa (02) 8727-1961 or sa Globe cellphone no. 0977-690-4434 or sa Smart cellphone no. 0961-580-1896.

Wala namang requirement, basic information lamang like name and address ang ibibigay ninyo kapag tumawag kayo sa opisina.

 

BIANCA UMALI NAGPAPASALAMAT SA MGA BIYAYANG DUMATING SA BUHAY SA MURANG EDAD

ISA SI Kapuso actress Bianca Umali, na very thankful sa mga accomplishments niya simula pa nang pumasok siya sa showbiz at a very young age.  Nang makausap nga si Bianca ni Kapuso PR Girl kung ano ang ipinagpapasalamat niya sa mga nangyayari sa kanya ngayon, ito ang sagot niya:

“I am thankful for everything – for being able to wake up in the morning, for a new day, for my job, for having food on the table, for being blessed with my love for books and being able to read plenty, for my dog, for the people I love and for those who love me back, for all things material, spiritual, physical, for all the ups and downs, all the successes and failure, all the right and wrong decisions, and for all the simplest and fanciest things in life that I have experienced and will be able to experience.

Without all these, especially the challenges and obstacles, I may not be who and how I am today.  I am lucky to have been blessed already with so much more than I could ask for despite my imperfections.  This is why I am thankful for everything.”

Excited na si Bianca sa pagsisimula ng bago niyang teleserye, her first adult series, ang “Legal Wives” na isa siya sa magiging asawa ni Dennis Trillo.  The other two wives ay gagampanan nina Megan Young at Ms. Alice Dixson.

 

GMA REGIONAL TV WEEKEND NEWS IBABALIK

SIMULA sa Sabado, May 21, magbabalik na sa GMA News TV ang GMA Regional TV Weekend News na mapapanood sa bago nitong timeslotgma shows na 6:15 pm.  Nang magsimula ang Luzon-wide enhanced community quarantine, pansamantala itong umere sa GM-7 mula March 21, hanggang April 25.

Kaya muling mapapanood sa primetime block ang nag-iisang English newscast ng Kapuso Network at makakaasa ang mga viewers na mas marami pang local na balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa na mapapanood nationwide.

Sa pagbabalik-primetime nila sa Sabado, ang magiging anchors sa GMA Regional TV One Mindanao ay sina Tek Ocampo, Sarah Hilomen-Velasco, at Real Sorroche.