MPBL: BUHAY PA ANG MAKATI

MPBL Makati

TINAMBAKAN ng third seed Makati-Super Crunch ang second-ranked Manila-Frontrow, 75-59, upang maipuwersa ang winner-take-all Game 3 sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan semifinals noong Miyerkoles ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Makaraang malimitahan sa tatlong puntos sa Game 1, bumawi si Joshua Torralba sa pagkamada ng 23 points, kabilang ang limang triples, tatlong rebounds, dalawang blocks at isang steal upang iangat ang Makati.

“When they go small, sabi ko sabayan na natin,” wika ni Makati coach Beaujing Acot. “Tapos, na-stop na natin si [Chris] Bitoon and si [Carlo] Lastimosa.”

Si Lastimosa, may ave­rage na 23.0 points sa playoffs, ay nalimitahan sa pitong puntos lamang sa 2-of-17 shooting habang nagtala si Bitoon ng 2-of-9 lamang mula sa field para sa 8 points.

Naghahabol sa 31-47 sa kalagitnaan ng third period, nagpasabog ang Stars ng 12 unanswered points sa fourth frame, tampok ang post shot ni Marvin Hayes upang tapyasin ang 17-point lead sa apat na puntos lamang, 43-47.

Subalit gumanti ang Makati ng 8-2 blast upang muling palakihin ang kalamangan.

Lumobo pa ang bentahe sa 18 points, 75-57, sa layup ni Jeckster Apinan, may 1:21 ang nalalabi.

Hindi rin nakatulong sa Manila ang 0-of-6 sa charity stripe sa payoff period.

Nagdagdag si Jong Baloria ng 15 points habang gumawa si Cedric Ablaza ng 10 points. Tumipa si Apinan ng 8 points, 17 rebounds at 4 assists.

Nagbida sina Mark Dyke at Marvin Hayes para sa Manila na may tig-11 points.

Lalaruin ang rubber match sa Biyernes, March 6, sa parehong Manila venue.

Sa unang laro ay nalusutan ng San Juan-Go for Gold ang matikas na pakikihamok ng Pampanga-ADG Group upang maitakas ang 91-83 panalo at umabante sa 2020 Chooks-to-Go/MPBL Lakan North Division Finals.

Iskor:

Unang laro:

San Juan-Go for Gold (91) – Wilson 26, Clarito 14, Ayonayon 13, Isit 13, Estrella 8, Tajonera 5, Gabawan 4, Wamar 3, Aquino 3, Buñag 2, Rodriquez 0, Reyes 0

Pampanga-ADG Group (83) – Maiquez 18, Hernandez 17, Cervantes 14, Muyang 10, Apreku 7, Cruz 6, Thompson 4, Alberto 4, Gomez 2, Fabian 1, Concepcion 0, Juico 0

QS: 26-25, 48-50, 69-64, 91-83

Ikalawang laro:

Makati-Super Crunch (75)  – Torralba 23, Baloria 15, Ablaza 10, Apinan 8, Lingganay 6, Sedurifa 6, Villanueva 3, Importante 2, Cruz 2, Atkins 0.

Manila-Frontrow (59) – Dyke 11, Hayes 11, Dionisio 9, Bitoon 8, Lastimosa 7, Matias 6, Abrigo 5, Arellano 2, Tallo 0, Go 0, Lee 0.

QS: 19-8, 37-21, 47-41, 75-59.

Comments are closed.