MPBL: BUHAY PA ANG NUEVA ECIJA

MPBL NUEVA ECIJA

NANATILI ang Nueva Ecija sa playoff hunt makaraang pataubin ang Parañaque-Yabo Sports, 85-81, sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season noong Miyerkoles sa Olivarez College Gym sa Parañaque City.

Abante ng dalawang puntos lamang, 79-77, sa fourth quarter,  naisalpak ni Zags Gonzaga ng Rice Vanguards ang isang tres mula sa left corner bago ito sinundan ni James Martinez ng isang floater upang bigyan ang kanyang koponan ng 84-77 kalamangan, may 55 segundo ang nalalabi.

“The big shots of James and Tonino were huge for us, our new addition, Justin Arana really helped us inside the paint dahil foul trouble lahat ng big men namin,” wika ni Nueva Ecija coach Charles Tiu.

Nanguna si Gonzaga para sa Rice Vanguards na may 21 points, 6 boards, 3  assists at isang steal, habang gumawa si James Martinez ng 11 markers, kabilang tatlong tres.

Sa panalo, uma­ngat ang Rice Vanguards sa 6-16 sa 13th spot sa North division.

Nagbida si Jemal Viscarra para sa Pa­rañaque sa kinamadang 19 points, 12 rebounds at 6 assists, habang nag-ambag si James Abugan ng 18 markers at nagtuwang ang trio nina Rommel Mangalino, Keith Pido at Jayboy Solis para sa 34.

Nalasap ng Patriots ang ikatlong sunod na kabiguan upang mahulog sa 8-16 sa 12th spot sa North.

Sa iba pang laro ay naipasok ni Mon Mabayo ang game-winning freebie at lumakas ang playoff chances ng ­Quezon City-WEMSAP makaraang maungusan ang also-ran Marikina sa overtime, 77-76.

Iskor:

Nueva Ecija (85) – Gonzaga 21, Martinez 11, Monte 8, Arana 8, Sabelinna 7, De Leon 6, Sarao 6, Aquino 6, Dela Cruz 5, Reyes 4, Garcia 2, Reyes 1, Celada 0.

Parañaque -Yabo Sports (81) – Viscarra 19, Abugan 18, Mangalino 13, Pido 11, Solis 10, Saguiguit 4, Rabe 3, Sunga 2, Antonares 1, Menguez 0, Begaso 0, Banzali 0.

QS: 30-32, 50-48, 65-66, 85-81.

Quezon City-WEMSAP (77) – Caranguian 18, Derige 15, Costelo 14, Olayon 10, Mabayo 7, Castro 6, Medina 3, Boholano 2, Tayongtong 2, Barua 0, Atabay 0, Gadon 0.

Marikina (76) – Sazon 24, Ular 23, Mendoza 7, Tambeling 6, Española 5, Pascual 4, Salvador 3, Dysam 2, De Chavez 2, Padua 0, Gonzales 0, Gines 0, Ybañez 0.

QS: 9-13, 24-30, 45-49, 65-65, 77-76.

Comments are closed.