MPBL: DAVAO, BASILAN DUMIKIT SA SOUTH FINALS

MPBL davao vs Zamboanga

DINUROG ng South leader Davao Occidental-Cocolife  ang Zamboanga Family’s Brand Sardines, 47-28, upang makauna sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan best-of-three semifinals noong Lunes ng gabi sa RMC Petrogazz Arena dito.

Nalimitahan ng Davao ang Zamboanga sa single digit sa first, second at fourth quarters na may lima, anim, at lima, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Abante ng walong puntos lamang sa fourth period, 35-27, may 8:17 ang nalalabi, nalimitahan ng Davao ang katunggali sa isang puntos lamang sa natitirang minuto ng laro habang umiskor ng 12 para itala ang final score.

“I have never seen anything like this as a coach, or even as a player so I got to give it to my coaching staff – they did a good job scouting – and of course to the players,” wika ni Tigers head coach Don Dulay.

Ang laro ay puno ng records. Ang dalawang koponan ay gumawa ng kasaysayan bilang may pinakamababang combined points sa isang laro na 75 lamang, kung saan nalagpasan nito ang 92 points ng Marikina at Cebu sa Datu Cup.

Naitala rin ng Family’s Brand Sardines ang pinakakaunting puntos sa isang laro na 28, mas mababa ng 14 sa 42 ng Marikina.

Si Emman Calo ang nag-iisang player na kumamada ng double-figures na may 12 points at kumalawit ng 7 rebounds at 2 steals.

Tumipa si Billy Ray Robles ng 8 markers, 6 boards, at 3 assists habang nagdagdag si Ken Mocon ng 7.

Nanguna si Leonard Santillan para sa Zamboanga na may 8 points sa 2-of-11 shooting at 8 rebounds.

Sisikapin ng Davao na umabante sa South Division finals sa Biyernes, Marso 6, sa  Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Sa unang laro ay lumapit din ang third-ranked Basilan-Jumbo Plastic sa South finals nang gulantangin ang second seed Bacoor City, 77-63.

Iskor:

Basilan-Jumbo Plastic (77) – Bulanadi 23, Gabo 13, Dagangon 8, Dumapig 6, Collado 5, Sorela 5, Bringas 4, Daa 3, Manalang 2, Palencia 2, Uyloan 2

Bacoor City (63) – Sumalinog 10, Demusis 8, Ramirez 8, Pangilinan 8, Cañete 6, Mabulac 6, Banal 6, Melencio 4, Montuano 2, Aquino 1, Acuña 0

QS: 16-14, 35-26, 54-51, 77-63

Ikalawang laro:

Davao Occidental-Cocolife (47) – Calo 12, Robles 8, Mocon 7, Balagtas 5, Terso 5, Albo 3, Custodio 2, Raymundo 2, Gaco 2, Saldua 1, Dumagan 0, Adormeo 0.

Zamboanga-Family’s Brand Sardines (28) – Santillan 8, De Vera 5, Pasaol 4, Roño 4, Asistio 3, Ignacio 2, Arboleda 2, Thiele 0, Black 0, Morido 0, Argamino 0, Villamor 0, Reyes 0, Bonsubre 0.

QS: 11-5, 19-11, 35-23, 47-28.