SA LIKOD ng all-around performance ni Gab Banal ay pinalawig ng Bacoor City ang winning streak nito sa anim na laro sa pamamagitan ng 98-67 pagdispatsa sa Muntinlupa-Angelis and Resort sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa FilOil Flying V Centre kahapon.
Nagbuhos si Banal ng 11 points, 12 rebounds, at 10 assists upang tulungan ang Bacoor na mapahigpit ang kapit sa second spot sa Southern Division na may 21-5 record.
Maagang kinuha ng Strikers ang bentahe, 27-14, at tinapos ang first half na angat sa 52-29.
Sinindihan ni Banal ang 10-0 run sa pagsalpak ng isang three-pointer at pagkatapos ay nagbigay ng perfect half-court lob kay Ian Melencio.
Sinelyuhan ni Ken Mark Miranda ang spurt sa pamamagitan ng isang four-point play, at itinarak ang pinakamalaking kalamangan ng Bacoor sa 34, 98-64, may 3:07 ang nalalabi sa laro.
“We just need to stay steady, stay humble and hungry, just keep putting the work and trusting the work. The result will show,” wika ni Bacoor head coach Chris Gavina kung saan umaasa siya na mapananatili ng kanyang tropa ang momentum sa buong elimination round.
Nagdagdag sina Oping Sumalinog at RJ Ramirez ng tig-13 points kung saan naipasok nila ang tig-3 three-pointers habang gumawa si Mark Montuano ng 10 markers.
Samantala, nanguna si Jamil Ortouste para sa Cagers na bumagsak sa 7-20 sa Southern Division, na may 21 points sa 9-of-20 shooting mula sa field.
Iskor:
Bacoor City (98) – Banal 13, Sumalinog 13, Ramirez 13, Canete 11, Montuano 10, Melencio 7, Acidre 6, Mabulac 6, Aquino 6, Acuna 4, Miranda 4, Ochea 3, Andaya 2, Malabag 0
Muntinlupa-Angelis Resort (67) – Ortouste 21, Moralde 10, Ylagan 9, Enguio 7, Mag-isa 7, Rebugio 7, Salaveria 2, Pamulaklakin 2, Po 2, Reyes 0, Buenaflor 0, Gonzales 0
QS: 27-14, 52-29, 77-52, 98-67
Comments are closed.